BREAKING NEWS : 5 PULIS DAVAO PINALAYA NA NG MGA NPA SA TULONG NI MAYOR RODRIGO DUTERTE

BREAKING NEWS : 5 PULIS DAVAO PINALAYA NA NG MGA NPA SA TULONG NI MAYOR RODRIGO DUTERTE

Davao City Mayor Rodrigo Duterte (Photo from Rody Duterte Facebook) Insert photo: Five policemen were released by NPA to Duterte Monday afternoon (Photo courtesy of SunStar Davao)
Nakalaya na ngayong araw ang limang pulis na dinukot ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) noong April 16 sa Brgy. Mapula, Paquibato District, Davao City matapos itong isuko ng mga rebelde kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Nakilala ang mga pinalayang tauhan ng Philippine National Police (PNP) na sina Chief Inspector Leonardo V. Tarungoy, PO3 Rosenie L. Cabuenas, PO3 Rudolf Y. Pacete, PO2 Neil C. Arellano, at PO3 Abdul Azis A. Ali Jr.
Sa kabila ng mahigpit na schedule sa pangangampanya ay lumipad si Duterte patungong Davao para tumulong sa pagpapalaya ng limang pulis.
Ang pagpapalaya ay naganap sa isang basketball court sa lugar. Ang limang pulis ay itinuring na prisoners of war (POW) ng NPA matapos nilang madakip ang mga ito.
Sa kanyang talumpati ay pinasalamatan ni Duterte ang NPA at Communist Party of the Philippines sa pagpapalaya at maayos na pagtrato sa limang pulis.
Nangako rin ito na sakaling maluklok sa darating na halalan ay sisiguruhin niyang magkakaroon ng reporma sa bahagi ng Paquibato partikular na para sa mga magsasaka doon.
Nagpapasalamat din ang hepe ng Paquibato PNP na kabilang sa mga dinukot dahil sa maayos na pagtrato sa kanilang ng mga rebelde.
Matapos ang pagpapalaya ay sinamahan ni Duterte ang limang napalayang pulis sa regional headquarters ng PNP sa Camp Catitpan.
Unang nang sinabi ng mga dumukot na NPA na tanging kay Duterte lamang nila isusuko ang mga nadakip na pulis.-DCR
Reports from Falcon Base
Powered by Blogger.